11 PAGYANIG NARAMDAMAN SA BULKANG KANLAON

NARAMDAMAN ang 11 volcanic earthquakes sa paligid ng Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag, iniulat ngayong Biyernes ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dahil dito, itinaas ng ahensya sa alert level 2 ang paligid ng bulkan.

Nabatid pa sa ahensya na nagbuga ng usok ang bulkan na may taas na 75 metro at mahinang pagsingaw.

Iniulat din ang pamamaga ng Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Kaugnay nito, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpapalipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Samantala, nagbabala rin ang Phivolcs sa posibilidad ng pagputok nito.

(PAOLO SANTOS)

108

Related posts

Leave a Comment