NAWAWALAN ng hanggang labing apat na porsyento sa pag-aaral ang mga estudyante dahil sa sunod-sunod na suspensyon ng klase sa gitna ng mga pag-ulan dala ng habagat at bagyo.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng chairman ng Institute for Risk and Strategic Studies na si dating House ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda na lubha nitong ikinabahala dahil apektado ang edukasyon ng mga bata.
“Rainy days are stealing learning days. Our calculations show that while the direct loss is about 7 percent of class time each year, the real impact on learning outcomes compounds. By the end of elementary school, children may be as much as 14 percent behind where they should be,” pahayag ni Salceda.
Ayon sa mambabatas, sa kanilang probinsya sa Albay pa lamang ay hanggang 200 araw ang nararanasang pag-ulan at sa buong bansa aniya, 15 hanggang 25 araw sinususpinde ng Department of Education (DepEd) ang klase.
“That adds up to almost a month of learning time lost every year. Worse, the effect builds up over time and pushes more children into learning poverty,” dagdag pa ng dating mambabatas.
Nakababahala aniya ito dahil base sa pag-aaral ng World Bank (WB), 91% sa mga Pilipinong edad 10 ay hindi nakababasa o kaya nakakaintindi sa kanilang binabasa kaya lalong lumala ang kanilang kalagayan.
“The numbers are stark. Out of every 100 Filipino children, 91 cannot read a short story by age 10. On top of that, heavy rains are erasing more than four months of class time and nearly 14 percent of learning outcomes by the end of elementary school. We need to treat this as an education emergency,” dagdag pa nito.
Upang masolusyunan aniya ito, iginiit ni Salceda na dapat masiguro na lahat ng elementary pupils ay magkaroon ng textbooks na pwede nilang iuwi upang kahit walang klase ay makapagbabasa pa rin ang mga ito.
(BERNARD TAGUINOD)
115 