LALAKING NAGJA-JUMPER, ARESTADO SA MAYNILA

Arestado ang isang lalaking nakunan ng video na lantarang nagkakabit ng jumper sa Sta. Cruz, Maynila nitong Lunes, Hunyo 15, 2026.

Timbog ang suspek sa agarang pag-aksyon ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Meralco na magkasamang nagsagawa ng entrapment operation sa kanto ng Tomas Mapua at Bambang.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity Pilferage Act ang nasabing suspek. Ang pagnanakaw ng kuryente at mga pasilidad ay may parusang hindi bababa sa 12 taon na pagkakakulong at multang aabot sa hanggang P100,000.

Samantala, isinasaayos naman ng mga crew ng Meralco ang mga pasilidad nito sa lugar para maiwasan na maulit ang insidente.

“Muli kaming nagpapaalala sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagnanakaw ng kuryente at mga pasilidad namin. Posibleng magdulot ito ng antala sa serbisyo sa mga customer at bukod pa dito, lubhang mapanganib ang mga ganitong gawain,” ani Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.

Hinimok din ng Meralco ang publiko na i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan at integridad ng serbisyo ng kuryente.

Maaaring i-report ng mga customer ang anumang alalahanin sa serbisyong kuryente sa pamamagitan ng MyMeralco app, o sa mga opisyal na social media account sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X (@meralco). Maaari rin silang magtext sa 09209716211 o 09175516211, o tumawag sa Meralco Hotline 16211.

105

Related posts

Leave a Comment