Lovi Poe at American actor Johnny Simmons, mga maincast sa Bad Man 2025 na isang American action comedy film.
MALAKING tagumpay para sa Pinoy talent ang nakamit ni Lovi Poe matapos makasama sa Hollywood action-comedy film na Bad Man kasama ang international actor na si Seann William Scott.
Ginampanan ni Poe ang karakter na si Izzy, ang babaeng bida na nagbigay ng puso, saya, at kilig sa pelikula, at nagkaroon ng love story kay Deputy Sam Evans na ginampanan ni Johnny Simmons.
“It’s honestly a dream come true to be working alongside such an amazing cast… I’m just so happy and grateful to be part of it, and I can’t wait for everyone to watch,” pahayag ng aktres.
Bukod kina Scott at Simmons, tampok din sa pelikula sina Chance Perdomo at Rob Riggle.
Ang Bad Man ay co-production ng Hemlock Circle Productions, Entertainment 360, The Syndicate, SSS Entertainment, at C’est Lovi Productions.
Kasalukuyan itong ipinalalabas sa U.S. theaters at VOD, at inaabangan ng mga fans na mapanood din ito sa mga sinehan sa Pilipinas.
177
