PAMUMULITIKA BUNGA AY KAHIRAPAN

RAPIDO ni PATRICK TULFO SOBRANG lala ng pamumulitika sa bansa. Sa sobrang lala nito, naisantabi ang tunay na trabaho ng mga politiko, ang kapakanan ng mamamayan. Mas mahalaga sa mga politikong ito na manatili sa kapangyarihan kaysa unahin ang kapakanan ng mamamayan. Saan ka nakakita ng bansa na nagkakagulo dahil ayaw bumaba ng isang opisyal sa kanyang pwesto sa kabila ng kaliwa’t kanang hiling na siya’y bumaba na. Saan ka nakakita na ang mga opisyal ay kanya-kanyang hanap ng dumi sa kanilang mga kalaban, imbes na pagtuunan ng pansin kung…

Read More

MANAOIS PAIRCARGO TEAM, LAMPAS SA TARGET, P2.3-BILYON NASUNGKIT!

On the Level ni JUNEX DORONIO SA gitna ng maraming balitang mabigat at problemang kinahaharap ng bansa, may mga kwento pa rin ng tagumpay na nagbibigay inspirasyon—tulad ng patuloy na pag-angat ng Paircargo Assessment Composite Division ng Bureau of Customs sa NAIA. Sa loob ng limang magkakasunod na buwan, nalampasan ng nasabing tanggapan ang kanilang revenue target—isang patunay na kapag may disiplina, malinaw na direksyon, at dedikasyon sa serbisyo, kayang-kaya ang anomang hamon. Nitong Mayo 2026, umabot sa P2.393 bilyon ang kanilang koleksyon, lagpas sa target ng P108.5 milyon o…

Read More

MAS MATAAS NA KOLEKSYON NG BOC, MAS MALAKAS NA KABAN NG BAYAN

TARGET ni KA REX CAYANONG PINURI ng Malacañang ang Bureau of Customs (BOC) matapos nitong malampasan ang target na koleksyon sa unang limang buwan ng 2026. Ayon sa Palasyo, ang tagumpay na ito ay patunay ng mas pinahusay na pamamahala, mahigpit na pagpapatupad ng mga reporma, at mas episyenteng operasyon ng ahensya. Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno, umabot sa P406.3 bilyon ang nakolektang kita mula Enero hanggang Mayo, lampas sa itinakdang target ng pamahalaan. Para sa Palasyo, ito ay malinaw na indikasyon na gumagana ang mga hakbang…

Read More

ONE-MONTH SALARY NG SENATE MAJORITY BLOC IDO-DONATE SA QUAKE VICTIMS

IDO-DONATE ng mga miyembro ng Senate Majority Bloc sa pangunguna ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang kanilang isang buwang sweldo para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Mindanao. Sa joint statement ng Senate Majority Bloc, inimbitahan din nila ang mga miyembro ng minorya na makiisa sa kanilang pagsisikap na makatulong sa mga naapektuhang pamilya. Iginiit ng grupo na bagama’t maliit lamang ang kanilang ambag, umaasa silang mararamdaman ng mga biktima ang kanilang malasakit at suporta. Ayon sa mga senador, ito ang panahon upang isantabi ang pagkakaiba…

Read More

Para matukoy mga tumulong sa pagtatago CELLPHONE NI DUMLAO SASALANG SA FORENSIC EXAM

ISASAILALIM sa forensic examination ang cellphone ni dismissed Police Lt. Col. Rafael Dumlao III upang matukoy kung sinu-sino ang posibleng tumulong sa kanyang pagtatago. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, sumailalim muna sa mahigpit na surveillance si Dumlao bago ito naaresto sa isang bahay sa Pasong Tamo, Quezon City dakong alas-5:00 ng madaling araw nitong Martes. Matatandaang si Dumlao ang itinuturong mastermind sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo noong 2016. Bagama’t una siyang na-acquit ng Angeles Regional Trial Court sa kasong kidnapping at murder,…

Read More

PHILIPPINE NAVY, PINURI NI PBBM SA MABILIS NA DISASTER RESPONSE; BAGONG BARKO PINASINAYAAN

UMANI ng papuri mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Navy dahil sa mabilis nitong pagtugon sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao. Si Pangulong Marcos ang nagsilbing panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Philippine Navy sa punong himpilan nito sa Roxas Boulevard, Maynila, kung saan pinasinayaan rin ang pinakabagong barkong pandigma ng hukbong-dagat. “In these critical moments, we witness the enduring commitment of the Philippine Navy to protect and serve the Filipino people,” ani Pangulong Marcos sa kanyang talumpati. Pinuri ng Pangulo ang…

Read More

POLICE COLONEL NA UTAK SA JEE ICK JOO KIDNAP-SLAY, ARESTADO NA

NAGWAKAS na ang pagtatago ni dating Police Lt. Col. Rafael Dumlao III, ang itinuturong utak sa pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo noong 2016. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, naaresto si Dumlao sa isinagawang law enforcement operation sa isang bahay sa Pasong Tamo, Quezon City. Hindi na umano nakapalag si Dumlao nang dakpin ng mga awtoridad dahil natutulog ito sa loob ng bahay. Nakumpiska rin umano sa kanya ang isang baril. Matatandaang dinukot si Jee mula…

Read More

CAYETANO NANAWAGAN NG PAGKAKAISA, PAGTUTOK SA RELIEF EFFORTS SA MINDANAO QUAKE VICTIMS

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano ng pagkakaisa sa hanay ng mga opisyal ng pamahalaan at publiko upang ituon ang atensyon sa pagtulong sa mga biktima ng malakas na lindol sa Mindanao. “Mindanao is now. They need the attention now,” diin ni Cayetano matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama malapit sa General Santos City nitong Lunes. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nagdulot ang lindol ng pagkasira ng mga gusali, pagkawala ng kuryente at pagkamatay ng ilang residente sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Binigyang-diin ni Cayetano…

Read More

MAYOR ISKO NAG-TURNOVER NG P62.5-M SUBSIDY SA PLM

NAG-TURNOVER si Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ng tseke na nagkakahalaga ng P62.5 milyon, sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM nitong Martes ng umaga, Hunyo 9, bilang pondo ng unibersidad para sa ikalawang quarter ng 2026. Tinanggap ang tseke ni PLM President Atty. Domingo “Sonny” Reyes Jr. sa turnover ceremony. Dahil sa pag-release na ito, umabot na sa P301.25 milyon ang kabuuang subsidy na naibigay sa PLM sa unang taon ng ikalawang termino ni Mayor Domagoso. Patunay ito ng patuloy na pag-usad ng pagsisikap ng pamahalaang…

Read More