MATAGUMPAY at makabuluhang idinaos ang ‘Happy BTS – Back to School Clean-Up & Gift-Giving Activity’ ng SAKSI NGAYON (PeryodikoFilipino Inc.) sa Paaralang Elementarya Pio Valenzuela, Brgy. Palasan, Valenzuela City noong nakaraang Biyernes, June 5, 2026.
Nagsama-sama ang mga mag-aaral, guro, principal, barangay officials at SAKSI NGAYON staff para sa iisang layunin na makapagbigay saya at maghatid ng ngiti sa mga mag-aaral sa nalalapit na pagbubukas ng eskwela ngayong taon.
“Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, makakatulong tayo sa paaralang Pio Valenzuela Elementary School para sa panibagong taon ng pag-aaral, habang namahagi rin ng school supplies mula sa Sogo Cares at sa munting handog mula sa mga sponsors na nagbigay ng ngiti sa mga mag-aaral,” ani Maam Rochelle Pangan mula sa pamunuan ng SAKSI NGAYON.
“Maraming salamat sa lahat ng volunters, partners, guro, magulang at mga mag-aaral na nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras at suporta. Ang inyong kabutihang-loob ay patunay na sa pagtutulungan, mas marami tayong batang mabibigyan ng mas maliwanag na kinabukasan,” dagdag pa niya.
Nakiisa naman ang sponsors ng SAKSI NGAYON sa pagbibigay ng pagkain, loot bag, pamahatid uhaw, sandals at school supplies.
Tinatayang nasa 150 mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Pio Valenzuela ng Brgy. Palasan, Valenzuela City ang naging benepisyaryo ng “Happy BTS – Back to School Clean-Up & Gift-Giving Activity ng SAKSI NGAYON.
Nagbigay ng kasiyahan sa mga mag-aaral ng nasabing eskuwelahan ang mga loot bag na may lamang school supplies mula sa Sogo Cares, school shoes mula sa Duralite Sandals at pagkain mula sa Figaro Foundation, Ka Rene Restaurant at Mogu-Mogu.
Pinasalamatan din ng pamunuan ng SAKSI NGAYON si Ginoong Winefredo L. Zurbano, Principal ng Paaralang Elementarya Pio Valenzuela, at si Hon. Evelyn Alejandro, Chairman ng Brgy. Palasan na nagpadala ng kanyang kinatawan na si Bally Perona.
Kabilang din sa partners sa mga ganitong aktibidad ng SAKSI NGAYON ay ang Sogo Cares, Hotel Sogo, Meralco, Maynilad, Figaro Foundation, Duralite, AquaSweet, Adarna House, Ka-Rene Restaurant, Mogu-Mogu at Angel’s Pizza.
Tiniyak naman ng pamunuan ng SAKSI NGAYON na magpapatuloy ang ganitong mga aktibidad para makatulong sa mga nangangailan kahit sa simpleng paraan dahil naniniwala ang kumpanya na ang edukasyon ay mahalaga para sa paghubog ng mga susunod na lider ng bansa.
(Joel O. Amongo)
149 











