DSWD OBLIGATION RATE TUMAAS

BINIGYANG-DIIN ni Sen. Pia Cayetano sa pagdinig ng P223.2B 2026 budget ng DSWD, NCSC, at NCIP noong Setyembre 24, 2025, na ang tunay na pagsubok ng pambansang pag-unlad ay kung paano naaalagaan ang pinakamahihirap at pinaka-bulnerableng sektor.

Iniulat ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na nasa 82.67% ang obligation rate ng ahensya nitong Agosto at kumpiyansang malalampasan pa ang nakaraang taon. Nakakuha rin ng “very satisfactory” rating ang DSWD at mga attached agencies, na target pang lampasan bago matapos ang 2025.

(DANNY BACOLOD)

39

Related posts

Leave a Comment