CAVITE – Naka-hospital arrest ang dalawang lalaki dahil sa pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang patay at tadtad ng taga sa Ternate-Nasugbu Road sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang si alyas “Robin”, 53, may asawa, ng Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite.
Iniimbestigahan naman ang mga suspek na kapwa nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, na sina alyas “Rico”, 21 at “Geram”, 40, kapwa residente ng Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite.
Ayon sa ulat ng pulisya, kinompronta ng mga suspek ang biktima sa hindi nabatid na dahilan bandang alas-12:30 ng madaling araw noong Linggo sa Sitio Ophir, Brgy. Sapang 1 sa Ternate.
Ang kanilang komprontasyon ay nauwi sa pananaga na nagresulta sa agarang kamatayan ng biktima habang may tama rin ng taga ang mga suspek sa mukha at ulo.
Ang mga suspek ay isinugod sa ospital habang ang biktima ay naiwan sa lugar at nadiskubre na lamang ang bangkay nito na nakabalandra sa kalsada sa lugar.
(SIGFRED ADSUARA)
