Kaya pinalulutang destab plot? MARCOS ADMIN KABADO SA MGA PROTESTA – VP SARA

HINDI bahagi ng destabilization plot ang mga protest rally na isinasagawa ng mga tagasuporta ni Vice-President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa administrasyon nito.

Sinabi ni VP Sara na ang mga protest rally laban kay Pangulong Marcos ay bahagi ng freedom of speech at freedom of expression.

“Even if the people decide to rally every day along Edsa, that’s not destabilization. It’s freedom of speech and expression,” ayon kay VP Sara.

Kaya nga, kinuwestiyon ni VP Sara ang paglalarawan ng administrasyon sa mga rally bilang bahagi ng destabilization plot, iginiit din nito na wala namang panawagan na patalsikin sa pwesto ang Pangulo.

“What I’m seeing are groups who are asking him to resign,” aniya pa rin.

Aniya pa, malamang na natatakot lamang ang administrasyon at ang pilit na pinalulutang na alegasyon na destabilization plot ay nag-ugat mula sa ‘insecurity’ o kawalan ng kapanatagan ng gobyerno.

(CHRISTIAN DALE)

37

Related posts

Leave a Comment