PINAG-IINGAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko laban sa mga ulat tungkol sa mga nagpapanggap bilang OSH practitioner o safety officer.
Babala ng Occupational Safety and Health Center, gumagamit at nagpapakita ng mga pekeng certificate of accreditation ang ilang indibidwal.
Giit ng ahensya, sila lamang ang tanging awtorisadong magbigay ng certificate at kinakailangang dumaan sa tamang proseso ng pagsusuri at accreditation.
Samantala, nanawagan si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa labor inspectors ng DOLE na itaas pa ang antas ng kanilang serbisyo at integridad sa pagpapatupad ng labor laws.
Sa Labor Inspection Summit, binigyang-diin ng kalihim ang kahalagahan ng epektibong inspeksyon gaya ng tuloy-tuloy na pagsasanay, katapatan, at institutional support.
Ayon kay Laguesma, dapat maging moral compass ng mga inspector ang integridad, kumilos nang patas, walang takot o kinikilingan, at tiyaking may sapat na proteksyon at suporta upang maisagawa ang tungkulin nang may kumpiyansa at kalayaan.
(JOCELYN DOMENDEN)
18
