PULIS NA NANGHOLDAP AT NAPATAY, BAON SA UTANG

pulis

INIHAYAG ng Philippine National Police na baon sa utang ang police captain na nangholdap sa isang convenience store sa Marilao, Bulacan at napatay ng kanyang mga kabaro.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni National Capital Region Police Office spokesperson, Police Major Hazel Asilo, sa kanilang background checking kay Police Captain Ronnie Sarto ay nabatid na sagad ito sa loan.

Matatandaang nangholdap si Sarto sa isang convenience store sa Barangay Sta. Rosa l sa Marilao, Bulacan at napatay ng kanyang mga kabaro sa pagresponde sa Heritage Subdivision sa Loma de Gato sa nasabing bayan.

Ayon kay Asilo, wala umanong impormasyon na ang napatay na police captain ay lulong sa sugal o anomang bisyo.

Napag-alaman na may negosyong pagkain at ready to wear o RTW ang pamilya ng suspek subalit nalugi ito sa panahon ng pandemya.

Dito na umano nahirapan na makabangon ang pamilya sa pagkalugi sa negosyo hanggang sa nagkaroon ng kaliwa’t kanang utang ang naturang pulis.

(TOTO NABAJA)

22

Related posts

Leave a Comment