TANDEM KUMANA NG GADGETS, CASH SA RESTO

CAVITE – Nilimas ng riding in tandem na nagpanggap na mga customer, ang mga cellphone, wallet at cash ng mga empleyado ng isang restaurant sa DasmariΓ±as City noong Lunes ng madaling araw.

Inilarawan ang mga suspek na nakasuot ng itim na jacket, puting helmet at sakay ng isang blue NMAX na motorsiklo.

Ayon sa salaysay ng mga biktimang sina alyas “Gemma”, 23, isang barista, at “Gerald”, 25, cashier, ng Kanin Bawang Restaurant sa Molino-Paliparan Road, Salawag, DasmariΓ±as City, pumasok ang mga suspek bandang alas-4:00 ng madaling araw at nagkunwaring mga customer.

Agad umanong nagdeklara ng holdap ang mga ito at tinangay ang iPhone 16 Pro na kulay gold, iPhone 13 Pro Max na kulay gold, iPhone XR, na kulay blue, at wallet na may lamang P6,000 cash at bank cards.
Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng nasabing motorsiklo patungo sa ‘di nabatid na direksyon.

Nagsasagawa naman ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa mga dinaanan ng mga suspek para sa posibleng pag-aresto sa mga ito.

(SIGFRED ADSUARA)

255

Related posts

Leave a Comment