LEVISTE INAKUSAHAN NG PANGHA-HARASS KAY DPWH USEC CABRAL

INAKUSAHAN si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng pangha-harass sa noo’y Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Catalina Cabral sa isang insidenteng sinasabing naganap sa loob ng kanyang opisina, ayon sa isang post na kumakalat sa social media.

Sa isang Reddit post na ibinahagi sa forum na r/DPWHEngineersPH, sinabi ng user na si u/Unlucky-Love5132 na pumasok si Leviste sa opisina ni Cabral noong gabi bago ang isang congressional hearing at sapilitang inagaw ang mga dokumento mula sa kanyang mga kamay.

Muling lumutang ang naturang post sa social media kasunod ng pagkamatay ni Cabral, na nahulog umano sa bangin sa bahagi ng Kennon Road noong Huwebes. Nauna nang nagbitiw sa puwesto si Cabral matapos siyang masangkot sa flood control scandal.

“Totoo po ito — nangyari mismo sa opisina ni Usec. Cabral gabi bago ang hearing,” sinabi ng Reddit user, at idinagdag na naging agresibo si Leviste at sapilitang inagaw ang mga dokumento mula kay Cabral, na nagresulta sa pagkasugat ng kanyang daliri dahil sa hiwa ng papel.

Ayon pa sa post, nakita si Cabral na may benda ang daliri sa hearing kinabukasan, na iginiit ng user na dulot ng insidente at hindi ng isang simpleng aksidente.

“Kaya noong sumunod na araw sa hearing, mapapansin niyo nakabenda ang kanyang daliri — hindi dahil sa simpleng aksidente, kundi dahil mismo sa insidente sa loob ng kanyang sariling opisina,” saad ng user.

Sinabi ng Reddit user na lubhang nakababahala na ang isang halal na opisyal ay biglang pumasok sa opisina ng isang opisyal ng gobyerno at sapilitang nang-agaw ng mga dokumento.

“Nakakagulat at nakakaalarma na ganito ang ugali ng isang halal na opisyal – pumapasok sa opisina ng isang undersecretary at pilit inaagaw ang dokumento, to the point na nasaktan pa ang opisyal,” ayon sa post. (EG)

145

Related posts

Leave a Comment