KINUMPIRMA ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez na nagsoli ng higit-kumulang P15 milyon ang owner ng SYMS Construction, si Sally Santos, sa DOJ bilang bahagi ng kanyang restitution money kaugnay ng anomalya sa flood control projects.
Ayon sa DOJ, umaabot na sa P236 milyon ang kabuuang halaga ng pera na naibalik sa kaban ng bayan mula sa mga nakulimbat na pondo. Kabilang dito ang:
P181 milyon mula kay Bulacan District Engineer Henry Alcantara
P40 milyon mula kay Gerard Opulencia, dating DPWH-NCR
P15 milyon mula kay Sally Santos
Inaasahang may ilan pang DPWH officials na sangkot sa anomalya ang magsusumite ng kanilang restitution simula Enero ng susunod na taon.
Dalawang armored vehicles ang dumating sa DOJ bandang umaga kung saan diniskarga ang isang bag na naglalaman ng perang isinoli.
Ayon sa DOJ, ‘di dumating sa DOJ si Santos ngunit inaasahan siyang dadalo sa mga nakatakdang preliminary investigation upang pabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya.
(JULIET PACOT)
99
