TINANGGAL sa serbisyo ang 53 pulis nitong Enero bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra katiwalian ng Philippine National Police (PNP).
Bukod sa mga sinibak, 88 pulis ang sinuspinde habang 27 naman ang nireprimand, dahilan upang umabot sa 180 personnel ang pinatawan ng disciplinary action sa loob lamang ng isang buwan.
Muling iginiit ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mahigpit na zero-tolerance policy laban sa anomang uri ng maling gawain ng mga pulis.
Binigyang-diin ni Nartatez na hindi palalampasin ng pamunuan ang mga paglabag upang mapanatili ang integridad ng organisasyon at maibalik ang tiwala ng publiko sa hanay ng kapulisan.
50
