PAGLOBO NG INFORMAL SETTLERS SA PANDI INALMAHAN

BISTADOR NI RUDY SIM

INALMAHAN ng mamamayan ng Pandi, Bulacan ang tila paggamit umano ng kanilang Mayor na si Enrico Roque sa mga informal settler upang mapatibay ang kanyang pananatili sa puwesto at tinawag ng kanyang constituents na raket?

Ayon sa sumbong na nakarating sa atin ay lumubo na sa labing tatlo ang resettlement area sa naturang lugar na posible pa umanong madagdagan pa. Ang tanong ng mga nasasakupan ni Mayor ay may kumita kaya sa mga resettlement project na ito na ayon sa mga ‘marites’ ay malaki raw ang kitaan dito? hmm..

Basura ang idinadaing ng mga residente ngayon sa lugar mo Mayor na baka daw balang araw ay maging smokey mountain na sa dami kasi nagkalat at nagmistulang dumpsite ang lugar.

Anyare Mayor, ano ang mapapala ng mga residente sa pagdami ng informal settlers sa bayan ng Pandi na ayon sa sumbong ay may mataas na crime rate sa Region 3 dahil na din sa talamak na kalakaran ng bentahan ng droga maging ang nakawan at iba pang krimen.

Nalalapit na muli ang halalan sa 2028 malaki kaya ang pakinabang dito ng Alkalde na magagamit ang mga bagong salta sa lugar at ang iba dito ay tila legal na flying voters?

Para sa patas na pamamahayag ay binibigyan natin ng pagkakataon ang mga nabanggit upang maipaliwanag ang kanilang panig.

87

Related posts

Leave a Comment