DOJ: WALANG BASBAS SA US TRIP NI BONOAN

KINONTRA ng Department of Justice ang pahayag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na pinayagan umano siyang bumiyahe sa Amerika para sa pagpapagamot ng kanyang asawa.

Nagharap si Bonoan ng kontra-salaysay sa DOJ panel of prosecutors kaugnay ng kasong plunder sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Sa ambush interview, sinabi ni Bonoan na pinayagan na raw siyang bumalik sa US ngayong Pebrero.

Pero ayon kay Justice spokesperson Atty. Polo Martinez, walang kapangyarihan ang DOJ na payagan ang pagbiyahe ng mga respondent dahil korte lamang ang maaaring magpataw o mag-alis ng travel restrictions.

Bukod sa plunder, nahaharap si Bonoan sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Direct Bribery, Receiving Gifts by Public Officers at Corruption of Public Officers.

Kapwa niya akusado sina Sen. Jinggoy Estrada at ilang dating opisyal ng DPWH kabilang sina Roberto Bernardo at Maria Catalina Cabral.

Pebrero 23 ang susunod na preliminary investigation at hindi na obligadong dumalo si Bonoan.

(JULIET PACOT)

8

Related posts

Leave a Comment