JEEPNEY DRIVERS TUMANGGAP NG FUEL SUBSIDY SA LUCENA LGU

SINIMULAN nang gamitin ng mga jeepney driver sa Lucena City ang P3,000 fuel vouchers na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlungsod, bilang agarang tulong sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa unang araw ng implementasyon, naging maayos at organisado ang distribusyon at paggamit ng vouchers sa piling gasoline stations, sa pangunguna ng Task Force Road Order and Discipline, katuwang ang Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO.

Ayon sa lokal na pamahalaan, direktang napakinabangan ng mga benepisyaryong driver ang subsidy na inilaan para matugunan ang kanilang dagdag na gastusin sa krudo.

Layunin ng programa na inisyatiba ni Mayor Mark Alcala, na maibsan ang epekto ng oil price hike sa kabuhayan ng mga driver at masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon ng pampublikong transportasyon sa lungsod.

Inaasahan naman na magpapatuloy ang programa habang hinihintay ang karagdagang subsidiya mula sa pambansang pamahalaan, upang lalo pang masuportahan ang sektor ng transportasyon.

Para sa mga commuter, nangangahulugan ito ng mas tuloy-tuloy na biyahe at mas kaunting abala sa araw-araw na pagpasok at pag-uwi.

(NILOU DEL CARMEN)

 

111

Related posts

Leave a Comment