DAGDAG SAHOD, BAWAS TRABAHO?

PINANGANGAMBAHANG magdudulot ng mas malaking problema ang panukalang dagdag na sahod ni Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando.

Ayon sa ilang ekonomista, gusto ng mga manggagawa ng dagdag sahod ngunit duda silang maibibigay ito ng mga may-ari ng kompanya, lalo ang maliliit na negosyo.

Punto nila, ang sahod ay bahagi ng gastos ng negosyo kaya kapag tumaas ito lalo kung biglaan, tiyak maapektuhan ang malalaki lalo ang maliliit na kumpanya maging ang micro, small, and medium enterprises.

Bad timing din ang panukalang dagdag na sahod lalo’t apektado ng Middle East crisis ang halos lahat ng bansa, kasama ang South East Asia na kinabibilangan ng Pilipinas.

May mga pag-aaral din na nagsasabing posibleng umabot sa mahigit isang daang libong trabaho ang malalagay sa alanganin kapag ipinatupad ang malawakang wage hike ni San Fernando.

At kapag nawalan umano ng trabaho ang manggagawa, hindi ito simpleng numero sa statistics kundi buong pamilya ang maaapektuhan.

89

Related posts

Leave a Comment