PATAY ang isang tricycle driver habang inoobserbahan pa ang isang batang babae matapos makuryente sa Intramuros, Maynila, Lunes ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Adrian Matados, 30-anyos at residente ng Cabilao Street.
Isinugod naman sa Seaman’s Hospital ang walong taong gulang na batang babae na patuloy na inoobserbahan.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), naganap ang insidente alas-11:25 ng umaga sa isang construction site sa Maibsan Compound.
Tinulungan umano ni Matados ang bata na nakahawak sa live wire na konektado sa electrical post, ngunit sa kasamaang-palad ay nakuryente rin siya na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
(JOCELYN DOMENDEN)
109 