TARGET ni KA REX CAYANONG
SA ilalim ng pamumuno ni Mayor Gel Alonte, patuloy na itinataguyod ng Lungsod ng Biñan ang makabuluhang inisyatibo para sa kalusugan, kabuhayan, at kaalaman ng kanyang mga nasasakupan.
Kamakailan lamang, kinilala ang lungsod bilang pilot site ng Gabay Bakuna Initiative, isang programang pinangunahan ng Department of Health at United States Centers for Disease Control and Prevention (US-CDC).
Sa isinagawang orientation sa Perpetual Help Medical Center, pinagtibay ng lokal na pamahalaan ang pangakong palakasin ang disease surveillance at ang kakayahan ng lungsod sa pagtugon sa vaccine-preventable diseases.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang matagumpay na pagpapatupad ng programang ito ay patunay ng sama-samang pagkilos para sa kalusugan ng bawat Biñanense.
Hindi rin nagpahuli si Mayor Alonte sa pagtataas ng kakayahan ng kababaihan sa lungsod sa pamamagitan ng programang “Galing, Ehemplo at Lakas: Pagtindig ng Kababaihang Biñanense sa Isang Makabagong ASEAN.”
Aba’y sa pakikipagtulungan ng Gender and Development Office at City Human Resources Development Office, layunin ng proyekto na bigyang inspirasyon at kaalaman ang kababaihan upang maging aktibong lider at kasangga sa paghubog ng mas inklusibo at maunlad na Biñan.
Kasabay nito, pinatatag ng lungsod ang kaalaman ng kabataan sa makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng programang “Digital Filipina: Gain Skills, Excel in Digital Work, Lead Your Future.”
Sa tulong ng Gender and Development Office at Business Permits and Licensing Office, binigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na matutunan ang e-commerce at online entrepreneurship, na maghahanda sa kanila para sa hinaharap.
Ang lahat ng programang ito ay sumasalamin sa pangakong #TatakGEL – galing at epektibong lingkod na nakatuon sa kapakanan ng bawat Biñanense.
Kaya sa pamumuno ni Mayor Gel Alonte, malinaw ang direksyon ng lungsod para sa mas malusog, mas handa, at mas makabagong Biñan para sa lahat.
60 