2 HVIs ARESTADO SA P6.1-M SHABU

ARESTADO ang dalawang high value individuals matapos makumpiskahan ng tinatayang P6.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Lucena City noong Linggo.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Kalbo”, 43, at “Macmac”, 35, kapwa residente ng lungsod at parehong dating nasangkot sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isinagawa ng Lucena City Police Station ang operasyon sa Purok Baybayin, Phase 4, Barangay Ibabang Dupay, kung saan nakumpiska ang humigit-kumulang 300 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at drug paraphernalia.

Nakapiit na ang mga suspek sa custodial facility ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng naturang batas.

Ayon kay PCol. Romulo Albacea, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, patunay ito na tuloy-tuloy at seryosong kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.

(NILOU DEL CARMEN)

78

Related posts

Leave a Comment