ISINAMPA na ng pamunuan ng Coliseo de Manila ang kasong sibil sa Manila Regional Trial Court Branch 45 laban sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay ng isinagawang raid sa isang sabungan sa Tondo, Maynila noong Marso 25, 2016.
Sa press conference na ginanap sa Coliseo de Manila, sinabi ni Atty. Carl Jon P. Mucho ng Chavez Miranda Associate Law Office na magsasampa rin sila ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga sangkot sa operasyon sa susunod na linggo.
Ayon sa abogado, ilegal umano ang raid dahil walang ipinakitang cyber warrant ang mga awtoridad.
Iginiit din niya na hindi napatunayan na may nagaganap na online sabong o ilegal na sugal sa lugar at ang mga kinumpiskang computer ay bahagi ng kanilang lehitimong operasyon.
Dagdag pa ng abogado, ang raid ay isinagawa batay sa hindi beripikadong impormasyon at walang sapat na ebidensya.
“We believe there are serious legal issues, particularly the lack of warrant. That will be resolved in the proper legal forum,” dagdag pa ni Atty. Mucho.
Matatandaan na mahigit 100 katao ang inaresto sa naturang operasyon, kung saan 28 ang kinasuhan, ngunit kalaunan ay ni-refer para sa karagdagang imbestigasyon ng Manila Prosecutor’s Office.
(JESSE RUIZ)
109 