ZERO OBSTRUCTION IPATUTUPAD SA MGA KALSADA NGAYONG SEMANA SANTA

MAGPAPATUPAD ng “zero obstruction” policy ang pamahalaan sa mga pangunahing kalsada sa buong bansa ngayong Semana Santa upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko.

Sa joint press conference ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na aalisin ang mga sagabal sa kalsada.

Ayon naman kay DPWH Secretary Vince Dizon, pansamantalang ititigil ang mga road construction at muling ipagpapatuloy matapos ang Abril 6.

Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na magde-deploy ang PNP ng humigit-kumulang 98,000 pulis upang tiyakin ang seguridad sa panahon ng mahabang bakasyon at tumulong sa clearing operations.

Sa panig naman ng DILG, sinabi ni Secretary Jonvic Remulla na makikipagtulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng clearing operations.

Naglabas din ang Department of Health (DOH) ng advisory para sa ligtas na paggunita ng Semana Santa, kabilang ang paghahanda ng tubig, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga biyahero.

(TOTO NABAJA/JULIET PACOT)

105

Related posts

Leave a Comment