NAIHATID na ng Bureau of Customs (BOC) ang lahat ng 732 abandonadong balikbayan boxes sa Port of Davao, ayon kay Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapabilis ang delivery ng mga padala ng OFWs sa kanilang pamilya.
Ayon sa BOC, isinagawa ang door-to-door delivery nang walang anumang dagdag na bayarin sa mga benepisyaryo.
Sa kabuuan, umabot na sa 35,476 balikbayan boxes ang naihatid sa buong bansa.
Kabilang dito ang mga kahon mula sa Port of Manila, Manila International Container Port, Port of Cebu, at Port of Subic, na patuloy pang dinadala sa kani-kanilang recipients.
Tiniyak ng BOC na paiigtingin pa ang koordinasyon at mga patakaran upang hindi na maulit ang insidente ng abandonment.
(JESSE RUIZ)
113 