MARCOS SA MGA PINOY: KAGITINGAN ISABUHAY ARAW-ARAW

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na isabuhay ang kagitingan sa bawat desisyon, pagtulong sa kapwa, at paninindigan sa tama.

Sa kanyang mensahe para sa Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9, binigyang-pugay ng Pangulo ang tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan ng bansa.

“Maaaring iba na ang mga hamon natin ngayon, ngunit hindi nagbabago ang kailangan upang tayo ay manaig: malasakit, pagkakaisa, at pagmamahal sa bansa,” ani Marcos.

Binigyang-diin din niya na ang tunay na lakas ng bansa ay nasusukat hindi lamang sa panahon ng digmaan, kundi sa kakayahan nitong tumindig at magpatuloy sa kabila ng mga hamon.

Tinukoy ng Pangulo ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino sa Bataan at Corregidor bilang huwaran ng katatagan at sakripisyo.

Ayon sa kanya, ang kanilang kabayanihan ay nananatiling buhay na paalala ng diwa ng kagitingan na dapat isabuhay ng bawat Pilipino.

Hinimok din ng Pangulo ang sambayanan na ipagpatuloy ang diwa ng kagitingan sa araw-araw na pamumuhay upang makamit ang layunin ng isang “Bagong Pilipinas.”

(CHRISTIAN DALE)

98

Related posts

Leave a Comment