PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-84 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong World War II.
Dumalo rin si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., kasama ang mga opisyal ng gobyerno, diplomat, beterano, at kabataan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo ang sakripisyo ng mga bayani ng Bataan at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalayaan at soberanya ng bansa.
Kasama sa seremonya ang wreath-laying, bell ringing, at paglalantad ng Czechoslovak marker bilang pagkilala sa mga dayuhang nakibaka para sa Pilipinas.
Panawagan ng Department of National Defense (DND), manatiling matatag ang mga Pilipino sa pagprotekta sa bansa sa gitna ng lumalaking banta sa seguridad.
(JESSE RUIZ)
84 