REMULLA NAG-SORRY SA SINITANG NAKA-TOPLESS

HUMINGI ng paumanhin si DILG Sec. Jonvic Remulla sa lalaking inisyuhan ng citation ticket sa Mandaluyong dahil sa kawalan ng suot na damit pang-itaas habang nagtatrabaho.

Ayon kay Remulla, personal niyang pupuntahan ang lalaki na nahuling naghahalo ng semento malapit sa kanyang bahay sa Brgy. Addition Hills.

Inamin ng kalihim na nagkaroon ng pagkukulang sa pagpapatupad ng Safer Cities Initiative, na layong mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan.

Magpupulong ang Philippine National Police (PNP) sa isang command conference upang linawin ang limitasyon at tamang implementasyon ng programa.

Ilalatag din ang mas malinaw na mga alituntunin upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Kumambyo kay Roque

Samantala, nilinaw rin ni Remulla na hindi siya ang aaresto kay dating presidential spokesperson Harry Roque na kasalukuyang nasa Austria.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Roque na wala umanong kapangyarihan ang kalihim na siya’y arestuhin sa nasabing bansa.

Ayon kay Remulla, kanselado na ang pasaporte ni Roque ngunit wala pa itong red notice.

Dagdag niya, wala siyang direktang awtoridad na magsagawa ng pag-aresto sa ibang bansa at kinakailangang makipag-ugnayan sa mga kaukulang awtoridad para rito.

Isasagawa lamang ang mga hakbang kung may umiiral nang warrant of arrest laban kay Roque.

(TOTO NABAJA)

111

Related posts

Leave a Comment