AÑO OUT; OBAN IN SA NSA

TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni National Security Adviser Eduardo Año.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagpasya si Año na magretiro matapos ang mahabang panahon ng serbisyo sa gobyerno at militar.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na malaki ang naging ambag ni Año sa pagpapalakas ng national security framework, kabilang ang counterterrorism at internal security efforts ng bansa.

Binigyang-diin din ng Palasyo na nakatulong ang liderato ni Año sa pagpapanatili ng katatagan at seguridad ng bansa sa gitna ng mga hamon sa rehiyon at buong mundo.

Itinalaga naman ng Pangulo si Eduardo Oban Jr. bilang bagong National Security Adviser.

Si Oban ay dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1979, na may malawak na karanasan sa military operations at defense planning.

Ayon sa Palasyo, kumpiyansa ang Pangulo na maipagpapatuloy ni Oban ang mga programa at prayoridad ng pamahalaan para sa pambansang seguridad.

(CHRISTIAN DALE)

115

Related posts

Leave a Comment