EXECUTIVE CLEMENCY KAY MARY JANE VELOSO, PINAG-AARALAN NA NG DOJ

POSIBLENG mabigyan ng executive clemency si Mary Jane Veloso, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na kasalukuyang sinusuri ng ahensya ang lahat ng legal na opsyon bago iharap ang rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

“Everything is possible… kaya lahat pinag-aaralan,” ani Vida.

Target ng DOJ na matapos ang pag-aaral sa susunod na linggo, kasabay ng planong pakikipagpulong sa pamilya Veloso upang ipaliwanag ang mga susunod na hakbang.

“Tulad ng napag-usapan natin, nasa listahan ko yan ng priority,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, nakakulong si Veloso sa Correctional Institution for Women matapos ilipat mula sa Indonesia noong Disyembre 2024.

(JULIET PACOT)

202

Related posts

Leave a Comment