MARCOS JR. PINANGUNAHAN DISTRIBUSYON NG BIGAS SA MAYNILA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng bigas sa Lungsod ng Maynila bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng tumataas na gastusin dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa isinagawang distribution program, personal na iniabot ng Pangulo ang tulong sa mga benepisyaryo, kabilang ang pagbubuhat ng isang sako ng bigas.

Ang programang “Biyayang Bigas Para sa Maynila” ay naglalayong magbigay ng agarang food relief sa humigit-kumulang 80,000 pamilya sa lungsod.

Kabilang din sa benepisyaryo ang mga manggagawa sa transportasyon at service sector na itinuturing na pinakaapektado ng kasalukuyang sitwasyon, na tatanggap ng tulong sa loob ng anim na buwan.

May kabuuang pondong P286 milyon ang inilaan para sa programa sa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) ng Office of the President.

Ang Department of Environment and Public Services ang nangangasiwa sa imbakan at transportasyon ng bigas, habang ang Manila Traffic and Parking Bureau ang tumutulong sa distribusyon sa mga miyembro ng TODA at JODA.

(CHRISTIAN DALE)

69

Related posts

Leave a Comment