RIDON SA PROBABLE CAUSE SA IMPEACHMENT NI VP SARA: MALINAW PA SA SIKAT NG ARAW

IGINIIT ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na malinaw na may probable cause para ituloy ang paglilitis sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Ridon, miyembro ng House Committee on Justice, batay sa mga rekord ng pagdinig noong Abril 14, lumitaw na may sapat na batayan ang reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.

Tinukoy ng mambabatas ang limang dahilan: una, ang kumpirmasyon ng Commission on Audit (COA) sa umano’y iregularidad sa paggasta ng Office of the Vice President, kabilang ang P73 milyon na ipinapabalik.

Ikalawa, ang ulat ng National Bureau of Investigation na iisa o iilang tao lamang ang pumirma sa acknowledgment receipts para sa confidential funds, kabilang ang mga pangalang kuwestiyonable.

Ikatlo, ang sertipikasyon ng Philippine Statistics Authority na nagsasabing walang birth records ang ilang pangalan sa mga resibo, na indikasyon umano ng fictitious identities.

Ikaapat, ang findings ng House Committee on Good Government kung saan unang inilatag ang mga ebidensya at detalye sa paggamit ng confidential funds.

At ikalima, ang testimonya ni Ramil Madriaga na nagsabing nagsilbi siyang bagman sa pamamahagi ng pera sa ilang indibidwal na umano’y malapit sa Bise Presidente.

May dalawa pang nakatakdang pagdinig ang komite sa Abril 22 at Abril 29 bago pagbotohan kung ihahain sa Senado ang impeachment complaint.

(TINA MENDOZA)

110

Related posts

Leave a Comment