NAKAPAGTALA ang Quezon City ng 143 kaso ng tigdas mula Enero 1 hanggang Abril 15, ayon sa lokal na pamahalaan.
Sa bilang na ito, 23 kaso ay sanggol na hindi pa maaaring bakunahan at umaasa lamang sa proteksyon ng komunidad o herd immunity.
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, nananatiling mataas ang panganib sa mga hindi nabakunahan, lalo na sa mga batang 10 taong gulang pababa.
Hinikayat ng pamahalaang lungsod ang publiko na magpabakuna at sundin ang health measures, habang pinayuhan ang may sintomas na agad magpatingin sa doktor.
(PAOLO SANTOS)
80 