ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN IKINASA NG QCPD

NAGSASAGAWA ngayon ng crackdown ang mga miyembro Quezon City Police District laban sa illegal gambling sa lungsod matapos ireklamo ng mga residente dahil sa pagkalulong ng kanilang mga anak sa sugal.

Nauna nang nakatanggap ng mga reklamo ang SAKSI NGAYON na isang Wilfredo Israel o alyas “Boy Kamote” ang nagpapatakbo umano ng bookies o Small Town Lottery (STL) sa Kyusi.

Ayon sa ilang concerned citizens, sakop daw nito ang District 1 subalit unti-unting lumaganap sa lima pang distrito.

Karamihan umano sa parukyano ng illegal gambling ni Boy Kamote ay pawang mga kabataan, partikular ang mga estudyante.

Sinabi pa ng source, ang baon ng mga estudyante ay sa sugal napupunta kaya labis nababahala ang kanilang mga magulang.

Kabilang sa mga lugar na malakas daw ang sugal ni Boy Kamote ay sa Balintawak, Kamuning, at Riverside sa Commonwealth, at patuloy pa itong lumalaganap sa lungsod.

Mahilig umano sa ‘name dropping’ o gumamit ng mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno si Boy Kamote para mapalawak ang kanyang mga illegal na aktibidad.

Kaya nanawagan na ang mga apektadong residente kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Randy Glenn Silvio, pati sa SAKSI NGAYON, na umaksyon sa iligal na aktibidad ni Boy Kamote, na nag-branch out na raw sa illegal drugs.

Agad namang kumilos si Gen. Silvio at inatasan ang kanyang mga tauhan na magpatupad ng crackdown sa mga pasugalan ni Boy Kamote.

(JOEL AMONGO)

85

Related posts

Leave a Comment