NANAWAGAN si Solid North Party-list Rep. Ching Bernos sa mga local government units (LGUs) na suportahan ang pangangailangan ng mga estudyante para sa online classes.
Ito ay kasunod ng desisyon ng Commission on Higher Education na pahintulutan ang online learning sa Higher Education Institutions (HEIs) hanggang sa pagtatapos ng Academic Year 2025–2026 dahil sa epekto ng mataas na presyo ng langis.
Ayon kay Bernos, maaaring tumulong ang mga LGU sa pamamagitan ng pagtatayo ng libreng Wifi hubs, pagbibigay ng internet vouchers at subsidies, at pamamahagi ng tablets, cellphones, at laptops.
“I hope that our LGUs support our students who lack resources to ensure that they are not left behind in their studies. This national crisis must not become an education crisis,” ani Bernos.
Dagdag pa niya, maaaring makapagbigay rin ng ginhawa sa mga commuter kung magkakaroon ng service contracting agreements ang LGUs sa public transport.
(TINA MENDOZA)
153 