RENEWABLE ENERGY ISINUSULONG NI SEN. CAMILLE; PINURI BIOMASS FACILITY SA LAGUNA

BINIGYANG-DIIN ni Senadora Camille Villar ang kahalagahan ng sustainable at renewable energy solutions sa gitna ng global uncertainties at climate change.

Ito ay matapos dumalo ang senadora sa paglulunsad ng biomass facility ng Nestlé Philippines sa Cabuyao, Laguna.

Ayon kay Villar, mahalaga ang ganitong inisyatibo upang mabawasan ang pag-asa sa fossil fuels at mapalakas ang energy resilience ng bansa, habang nagbibigay rin ng oportunidad sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, iginiit niya ang pangangailangan na palakasin ang mga polisiya sa renewable energy at resource efficiency.

Dagdag pa niya, ang ganitong mga proyekto ay mahalaga sa pagbuo ng isang climate-resilient na ekonomiya at sa pagtupad ng layunin ng bansa sa sustainability, kabilang ang target ng net-zero emissions pagsapit ng 2050.

107

Related posts

Leave a Comment