BAGONG PGH PLANONG ITAYO SA CAVITE

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa General Trias, kasabay ng paglalatag ng plano para sa bagong ospital ng Philippine General Hospital sa lalawigan.

Sa “Bawat Bayan Makikinabang” event, sinabi ng Pangulo na layunin ng financial assistance at rice aid na matulungan ang mga komunidad sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at bilihin.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pondo ang mga lokal na pamahalaan mula sa Local Government Support Fund kapalit ng pamamahagi ng bigas sa mga residente.

“Bawat dalawang buwan may 10 kilo ng bigas para matiyak ang food supply ng ating mga kababayan,” ani Pangulong Marcos.

Ipatutupad ang rice distribution anim na beses kada taon batay sa listahan ng mga benepisyaryo ng LGUs.

Bukod dito, naglaan ang Socio-Civic Projects Fund ng P200,000 kada barangay, kung saan kalahati ay ilalaan sa scholarship programs sa ilalim ng Presidential Scholars Program.

Inanunsyo rin ng Pangulo ang planong pagtatayo ng bagong PGH facility sa Carmona, na inaasahang magkakaroon ng 200-bed capacity at magsisilbi sa mga residente ng Cavite at kalapit na lugar.

(CHRISTIAN DALE)

97

Related posts

Leave a Comment