๐Ÿ”๐ŸŽ๐ ๐ข๐›๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐๐ก๐ข๐ฅ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฎ๐ญ๐จ๐ฌ ๐ง๐ข ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐จ๐ฌ ๐‰๐ซ, ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง

Opisyal nang naibalik sa PhilHealth ang โ‚ฑ60 bilyon mula sa National Treasury alinsunod sa direktiba ni ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ. Ang hakbang na ito ay isang malinaw na pahayag ng tiwala ng Pangulong matutugunan ng PhilHealth ang mandato nitong maging katuwang ng bawat Pilipino sa pangangailangang pangkalusugan.
Pinasasalamatan ng PhilHealth ang Pangulo sa kanyang malinaw na direktiba na gamitin ang pondong ito upang mapahusay ang mga serbisyong kalusugan upang maabot ang bawat Pilipino. Gayundin, kinikilala ng Korporasyon ang mahalagang papel ng Department of Finance sa agarang pagreremita ng nasabing halaga.
Pinagtitibay ng PhilHealth ang pangako na pangalagaan ang tiwalang ipinagkaloob ng Pangulo at ng taumbayan. Sisiguruhin ng Korporasyon na ang bawat pisong ito ay ilalaan sa pagpapahusay ng mga benepisyo, pagpapalakas ng mga sistema upang mapabilis ang mga proseso, at paghatid sa bawat Pilipino ng serbisyong mabilis, patas, at tunay na mapagkakatiwalaan.
135

Related posts

Leave a Comment