BUNSOD ng isinasagawang ASEAN Summit sa Cebu, naka-full alert ang Philippine National Police (PNP) sa Central Visayas.
Layon nitong matiyak ang seguridad sa pagho-host ng Pilipinas sa ika-48 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings sa Cebu
Ayon kay PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, layon nito na panatilihin ang kaligtasan ng mga delegado sa pagpupulong alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nakataas ang full alert status sa Central Visayas simula noong Miyerkoles, kung saan sama-samang magbabantay dito ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of Health (DOH).
Mismong si PNP chief Nartatez ang nanguna sa mga cyber patrol unit nito para bantayan ang disinformation at mga digital na banta sa buong panahon ng pagpupulong.
Kanyang inatasan ang yunit ng pulisya para palakasin ang pangangalap ng intelligence information para mapatunayan ang anomang posibleng panganib sa seguridad.
Sa ngayon, sinabi ni Nartatez na wala silang namo-monitor na anomang banta sa seguridad kaugnay ng okasyon.
(TOTO NABAJA)
80 