BAGAMA’T bahagyang humina ang hagupit ni Caloy habang binabagtas ang area of responsibility ng Pilipinas sa bahagi ng Mindanao, nanatiling nakataas pa rin ang babala ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa mga lugar na posibleng makaranas ng pagbaha at landslide bunsod ng mga pag-ulan dulot ng tropical depression.
Nitong Linggo, bandang alas-2:00 ng hapon, Mayo 10, 2026, nanatiling nasa loob ng Philippine area of responsibility si Tropical Depression “CALOY” {Int’l name “HAGUPIT”}.
Subalit may isa pang low pressure Area ang binabantayan ng DOST-PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Paliwanag ng PAGASA sa kanilang report na ibinahagi sa Office of Civil Defense, ang operating arms ng National Disaster Risk Reduction Management Council, nanatiling nakataas ang antas ng babala ng DOST-PAGASA sa mga barangay na Susceptible Rain-Induced Landslides at Flooding, base sa datos ng DOST-PAGASA Rainfall Data GSM (100mm) at WRF (150mm) 72-hour forecast simula 8:00 AM, May 10, 2026, para sa buong bansa.
“Please note the validity of the earlier lists provided (72-hour forecast). Additionally, areas not included in the list but located in close proximity to or downstream of the listed areas may also be affected,” ayon sa PAGASA.
Ayon sa Civil Defense Region XII – Soccsksargen, nasa ilalim ng flood alert ang apat na rehiyon sa Mindanao. Pare-parehong apektado ng easterlies ang mga naturang lugar, na nagdudulot ng mga serye ng pag-ulan at thunderstorm.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod: Region 9 (Zamboanga Peninsula): Zamboanga Del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga Del Sur;
Region 10 (Northern Mindanao): Lanao del Norte, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin, Bukidnon;
Region 11 (Davao Region): Davao Oriental, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao de Oro, Davao del Norte.
“As of 2:00 PM today, 10 May 2026, Tropical Depression “CALOY” {Int’l name “HAGUPIT”} is being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR).”
(JESSE RUIZ)
90 