PEKENG DOKTOR, 3 PA TIMBOG SA PAGTUTULI

ARESTADO ang apat na katao matapos ireklamo ng umano’y panloloko at ilegal na pagsasagawa ng serbisyong medikal katulad ng pagtutuli sa mga kabataan, sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang pangunahing suspek na isang 29-anyos na bisexual na physical therapist at residente ng Brgy. Lutucan 1, Sariaya.

Kasama sa naaresto ang isang 20-anyos na dalaga na residente ng Brgy. Cotta, Lucena City; isang alyas “Jayson”, isa ring bisexual, ng Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City; at “Ryan”, 35, driver, at residente ng Brgy. Cotta, Lucena City.

Batay sa imbestigasyon, umabot sa mahigit P108,000 ang perang nakuha ng grupo mula sa ilang biktima sa iba’t ibang pagkakataon.

Nang mabatid umano ng mga residente na wala palang lehitimong operasyon ang grupo, agad silang humingi ng tulong sa pulisya na nagsagawa ng operasyon at nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Medical Act of 1959 o illegal practice of medicine, at swindling o estafa.

(NILOU DEL CARMEN)

64

Related posts

Leave a Comment