PAGPAPALIT NG LIDERATO DAHIL LANG SA IMPEACHMENT, KAHIHIYAN SA SENADO

NAKAHIHIYA sa taumbayan kung magpapalit ang liderato ng Senado dahil lamang sa pagtatangkang harangin ang Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Erwin Tulfo sa gitna ng impormasyon na may nagsusulong ng kudeta sa Senado.

Sinabi ni Tulfo na kailangang ipaliwanag ng mga nagsusulong ng kudeta sa Senado ang kanilang aksyon kasabay ng paggiit na bahagi ng kanilang mandato ang magsilbing senator-judges kapag may impeachment na nakahain sa kanila.

Muli namang iginiit ni Tulfo na handa na sila sa posibleng pagko-convene bilang Impeachment Court sa sandaling matransmit na sa kanila ang Articles of Impeachment.

Gayunman, kailangan din anya nilang talakayin ang kanilang ipatutupad na rules.

Kabilang sa pag-uusapan ng mga senador ay kung kailangan pang ituloy ang impeachment trial sakaling mag-file ng resignation ang Bise Presidente sa kalagitnaan nito.

(DANG SAMSON-GARCIA)

57

Related posts

Leave a Comment