BIGLANG umingay sa social media ang kasalang Bea Alonzo at Vincent Co, na base sa huling mga ulat ay naudlot na raw. Isa sa mga pinagdududahang dahilan ng problema ay ang labis umanong pagsawsaw ng manager ni Bea na si Shirley Kuan.
Ayon sa mga taong may alam sa mga paghahanda sa kasal, marami ang nagulat sa pagiging sobrang “hands-on” umano ni Kuan, lalo na pagdating sa mga detalye ng prenup agreement.
“Akala mo endorsement contract na may komisyon siya kung makialam,” litanya raw ng isang taong malapit sa magkasintahan. “And the worst part, binaliktad niya ang mga detalye para siraan ang groom.”
Kung pagbabatayan ang mga paratang, parang hindi lang ordinaryong payo ng isang manager ang nangyari kundi panghihimasok na sa personal na kasunduan na dapat sana ay sina Bea at Vincent lamang ang nagdedesisyon.
Isa umano sa mga hiningi ni Kuan ay isang clause na nagsasabing mawawalan ng bisa ang prenup kung maghihiwalay ang dalawa dahil nagtaas ng boses si Vincent kay Bea. Ngunit ayon sa source, iba umano ang naging paglabas nito sa publiko at nagmistulang isang kampanya para sirain ang imahe ng groom.
“Syempre kung ma-invalidate ang prenup dahil nagtaas ng boses si Vincent, 50-50 na sila sa yaman. It’s a trap!” ayon sa source.
Marami rin ang nagtatanong kung bakit may mga pribadong detalye tungkol sa kasal at sa prenup na lumalabas sa publiko, lalo na ang mga impormasyong dapat sana ay nakatulong para matuloy ang kasal.
“Clearly, Kuan didn’t just allegedly try to manipulate and control the personal life of her talent and her future husband, she also violated their privacy,” dagdag pa ng source.
Ang mas malaking tanong ngayon ay kung ano ang mapapala umano ni Kuan kung mapipigilan ang kasal. Nangangamba kaya siya na kapag pinili ni Bea ang mas tahimik na buhay matapos magpakasal, mababawasan din ang pagiging aktibo nito sa showbiz at ang kita na dulot nito?
Sa gitna ng mga ingay na ito, nananatili namang tahimik sina Bea at Vincent at habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang mga opisyal na pahayag maging si Kuan.
142 