Meralco, suportado ang malawakang paggamit ng solar energy

Muling nagpahayag ang Meralco ng suporta sa mas malawak na paggamit ng solar energy sa bansa, kasabay ng pagdidiin na ginagamit din ng kumpanya ang solar technology bilang bahagi ng mas malawak nitong sustainability at energy efficiency efforts.

Ayon kay Meralco Executive Vice President at Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho, patuloy na nag-iinstall ng solar panels ang kumpanya sa sarili nitong mga pasilidad upang ipakita ang kumpiyansa nito sa teknolohiya at hikayatin ang mas responsableng paggamit nito ng mga kabahayan at negosyo.

“Patuloy kaming naglalagay ng solar panels sa aming mga pasilidad at kagaya ng mga kabahayan at negosyo, nakakatulong ito sa aming mas efficient at responsable paggamit ng kuryente,” sabi ni Aperocho.

Dagdag niya, ang paggamit ng solar energy ng kumpanya ay nakaangkla sa pangmatagalang sustainability agenda nito, partikular sa ilalim ng Resource Conservation and Efficiency Program na inilunsad noong 2020.

“Bilang bahagi ng programang ito, nag-install kami ng solar panels sa aming headquarters, business centers, at sector offices upang makatulong na mabawasan ang aming operational energy use,” aniya.

Para sa Meralco, mahalaga rin ang pagpapakita ng halimbawa sa paggamit ng renewable energy.

“Naniniwala kami na kung ang isang teknolohiya ay nakakatulong magtipid ng resources at makatulong sa efficiency, dapat din namin itong tangkilikin,” ani Aperocho.

Bukod sa sariling operasyon, patuloy ding sinusuportahan ng Meralco ang paglipat ng mga customer sa renewable energy sa pamamagitan ng MSpectrum, ang solar subsidiary nito na nagbibigay ng mga solusyon para sa mga residential at commercial customers.

Ayon pa kay Aperocho, nananatiling nakatuon ang kumpanya sa pagsusulong ng sustainability sa operasyon nito at sa mas komunidad.

“Patuloy naming ipo-promote at isusulong ang responsableng paggamit ng solar energy, pati na rin ng iba pang eco-friendly technologies, sa aming adhikain na isulong ang sustainability sa aming mga operasyon,” aniya.

96

Related posts

Leave a Comment