IBINASURA ng Supreme Court of the Philippines ang petisyon ni Ronald dela Rosa para sa temporary restraining order (TRO) laban sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court laban sa kanya.
Sa botong 9-5-1, tinanggihan ng SC ang hiling ni Dela Rosa na pigilan ang pagpapatupad ng arrest warrant.
“The SC, in a vote of 9-5-1, denied the prayer for a temporary restraining order (TRO) and/or writ of preliminary injunction filed by Senator Ronald ‘Bato’ M. Dela Rosa,” ayon sa press briefer ng SC na inilabas nitong Mayo 20, 2026.
Nilinaw naman ng SC na ang naging desisyon nito ay tumutukoy lamang sa hiling na interim relief.
“The main issues raised by the parties in their pleadings and motions are yet to be resolved in the main case,” dagdag pa nito.
Nahaharap si Dela Rosa sa arrest warrant ng ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kinalaman sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan libo-libong Pinoy ang nasawi.
(JULIET PACOT)
57 