OPISYAL nang pinasinayaan ang Ricky Reyes Learning Institute, Review and Validation Center na matatagpuan sa No. 1 Anonas Street kanto ng Aurora Boulevard.
Nag-aalok ang institusyon ng mga kursong hairdressing, beauty care, caregiving para sa matatanda at bata, at performing arts tulad ng pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at personality development para sa mga batang may edad 10 hanggang 16.
Dumalo rin sa okasyon ang mga espesyal na panauhin mula sa iba’t ibang bansa kabilang sina Sun Heang at Kol Tyda mula Cambodia, Beniface mula Macao, Duncan Lai mula Hong Kong, Stanley mula Australia, at Ruby mula China.
Malaki rin umano ang naging ambag ng mga sponsor tulad ni Dr. Ferdie Lacson at ng pamilya ni Ricky Reyes na kinabibilangan nina Vivian, Connie, Wennie, Jessica, Claro, at Les para sa tagumpay ng okasyon. (JD)
45 