PBBM IDINEKLARANG HOLIDAY ANG MAYO 27 PARA SA EID’L ADHA

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Mayo 27, 2026, araw ng Miyerkoles, bilang regular holiday sa buong bansa bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ang deklarasyon ay nakapaloob sa Proclamation No. 1264 na nilagdaan ng Pangulo upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng isa sa pinakamahalagang okasyong panrelihiyon sa Islam.

Ayon sa proklamasyon, ang Eid’l Adha ay nakatakdang ipagdiwang sa Mayo 27 batay sa advisory ng Bangsamoro Darul-Ifta.

Isinagawa ang deklarasyon kasunod ng rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos matapos ang pagsisimula ng 1447 Hijrah Islamic Lunar Calendar.

Nauna nang itinakda sa Republic Act No. 9849 ang pagdiriwang ng Eid’l Adha tuwing ika-10 araw ng Zhul Hijja, ang ika-12 buwan ng Islamic Calendar, bilang national holiday na may movable date.

“Following the 1447 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended that 27 May 2026, Wednesday, be declared a national holiday,” ayon sa proklamasyon.

(CHRISTIAN DALE)

122

Related posts

Leave a Comment