‘INDEPENDENT SENATE’ ISINUSULONG NI SP CAYETANO

Iginiit ni Senate President Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng isang “independent Senate” na nakatuon sa mga pangunahing problema ng bansa gaya ng inflation, edukasyon at agrikultura sa gitna ng umiinit na tensyon sa loob ng Senado.

Sa kanyang manifestation nitong Mayo 25, nanawagan si Cayetano sa mga senador na ibalik ang pagtuon ng diskusyon sa mga usaping direktang nararamdaman ng mamamayan at huwag hayaang matabunan ito ng mga usapin sa liderato at political alignments sa Senado.

Tinalakay rin ng Senate President ang umano’y mga hakbang para mapalitan ang majority bloc sa ilalim ng kanyang liderato at ang alegasyon ng mas malawak na plano para amyendahan ang Konstitusyon.

“Twenty-four tayo. Kung ang labing-isa sa atin ang sinasabi ay ‘Palitan si Cayetano,’ and there were 13 who were saying there was Con-Ass, et cetera — that’s what people are hearing, not inflation, not the economy, not the problem of health,” ani Cayetano.

Binigyang-diin niya na dapat gamitin ng Senado ang impluwensya at plataporma nito upang talakayin ang mga problemang direktang kinakaharap ng ordinaryong Pilipino.

“Pag-usapan natin ang agriculture, agricultural smuggling, problema sa taniman ngayon, problema sa fertilizer, ang 7% inflation. Pag-usapan din natin kung ilang araw pa ba ang itatagal ng ating supply ng gasolina,” dagdag niya.

Iginiit din ni Cayetano ang kahalagahan ng isang independent Senate na kayang makipagtulungan sa Executive branch habang pinananatili ang checks and balances sa ilalim ng Konstitusyon.

“Why can’t we bind together, minority-majority, and be an independent Senate? Not to confront the executive, but to collaborate, also as checks and balances,” ani Cayetano.

Kasabay nito, nanawagan si Cayetano ng caucus sa Mayo 26 kasama ang Majority at Minority blocs habang naghahanda ang Senado para sa impeachment proceedings at mga natitirang panukalang batas bago ang sine die adjournment sa Hunyo 6.

“I’m the Senate President but I am the servant leader of the 24 Senators… I’m here at your service,” pahayag niya.

69

Related posts

Leave a Comment