RESO SA PAGBASURA SA HIRIT NA TRO NI SEN. BATO, INILABAS NG SC EN BANC

INILABAS ng Supreme Court En Banc ang opisyal na kopya ng resolusyon kaugnay sa petisyon nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald dela Rosa laban sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kaugnay ng umano’y pagpapatupad ng warrant mula sa International Criminal Court.

Sa G.R. No. 278747 na may petsang Mayo 20, 2026, ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ni Sen. dela Rosa para sa Temporary Restraining Order (TRO) at Status Quo Ante Order (SQAO).

Ayon sa SC, nabigo si dela Rosa na patunayan na mayroon siyang malinaw at umiiral na karapatan na dapat protektahan upang mapagbigyan ng injunctive relief.

Binigyang-diin din ng Korte na hindi sapat ang mga alegasyon at hindi beripikadong ulat upang maglabas ng TRO o SQAO.

Sa botong 9-5-1, pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyong “DENIED for lack of merit.”

Kabilang sa mga respondents sa kaso sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, DILG Secretary Jonvic Remulla, dating PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, dating CIDG Director PMGEN Nicolas Torre III, Immigration Commissioner Norman Tansingco, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at AFP Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr..

Nakasaad din sa inilabas na resolusyon ang pangalan ng mga mahistradong nag-concur at dissent sa kaso kabilang ang kani-kanilang hiwalay na opinyon kaugnay ng naging desisyon ng Korte Suprema.

(JULIET PACOT)

65

Related posts

Leave a Comment