TAGA-ALBAY PUMALDO SA LOTTO; P25-M JACKPOT NASOLO

NASOLO ng isang bettor mula sa Lalawigan ng Albay ang jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office SuperLotto 6/49 matapos nitong makuha ang winning combination sa pinakahuling draw.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles, nakuha ng lone winner ang kombinasyong 33-24-12-13-04-09 na may katumbas na jackpot prize na P25 milyon.

Nabili umano ang masuwerteng tiket sa isang outlet sa Legazpi City.

Samantala, nasa 15 bettors naman ang makakatanggap ng tig-P86,666.66 matapos makahula ng limang tamang numero.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

(TOTO NABAJA)

61

Related posts

Leave a Comment